August 22, 2026

Landfill sa iilang barangay sa Palawan, may inisyal na pondo na

0
FB_IMG_1787376685785

Screen grab photo: Sangguniang Panlalawigan ng Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Kinumpirma ni First District Board Member Juan Antonio Alvarez na may inisyal na na pondo na ang iilan sa mga proyektong pang-landfill o tambakan ng basura sa ilang bahagi ng Palawan.

Ayon sa kanya, may mga pag-uusap na raw si Palawan Governor Amy R. Alvarez sa mga landfill contractor.

Ang magiging prayoridad daw ng proyekto ay ang mga island-barangays.

Ipinagbigay-alam ni Board Member Alvarez ang kaalaman na ito sa Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, Agosto 19, habang tinatalakay ang isang resolusyon ni Board Member Roseller Pineda na may kinalaman sa pagsasa-ayos ng kawalan ng tambakan ng basura sa mga malalayong lugar sa Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *