Investigation vs fatal road accident sa Tiniguiban, patuloy
Repetek News
Nasawi sa road crash ang tatlong mga college student sa kahabaan ng South National Highway ng Barangay Tiniguiban, sa Lungsod ng Puerto Princesa, nitong madaling araw ng Martes, Agosto 25.
Sa nakuhang kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage ng
Repetek News
, bumangga ang motorsiklong gamit ng tatlong mga biktima sa kasalubungang tanker truck.Minamaneho ng isa sa mga biktima ang motorsiklong Gray Honda Click nang mangyari ang kalunus-lunos na road crash. Na-overshoot umano ang motorsiklo hanggang sa makain nito ang linya ng truck, batay sa paunang imbestigasyon ng Police Station 2 (PS2) ng City Police Office.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa nasabing insidente.
Paalala ng mga kapulisan, “manatiling maingat, (…) sumunod sa mga batas trapiko, at siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang sasakyan upang makaiwas sa mga ganitong insidente”.
Abangan ang buong ulat dito.