August 28, 2026
1787838030445

Photo Courtesy: ACTF

Ni Rodolfo Idusora

Pinasok ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isang bahay sa Sampaguita Street, nabanggit na barangay, nitong madaling araw ng Agosto 27.

Itinawag sa 911 ang insidente na agad namang nirespondehan ng Anti Crime Task Force. Ayon sa ulat, hindi na naabutan ng mga awtoridad ang suspek. Nadatnan sa lugar ang may-ari ng bahay na si Lodz Almoite, nasa hustong gulamg.

Sa salaysay ni Almoite, kalahati na umano ng katawan ng suspek ang nakapasok sa kanilang banyo matapos dumaan sa bintana. Tinakpan din umano ng suspek ang kanilang CCTV gamit ang damit upang hindi makunan ang kanyang mukha.

May ilang gamit din na naiwan sa lugar na hinihinalang pag-aari ng suspek.
Agad na sinuyod ng security team ang paligid ng bahay ngunit hindi na nakita ang lalaki.

Sinabi naman ni Almoite na walang nawawalang gamit at walang miyembro ng kanyang pamilya ang nasaktan sa insidente.

Pinayuhan ng security team ang pamilya na balikan at suriin ang mga nakuhang CCTV footage sa mga nakalipas na araw upang matukoy kung may nakuhang larawan ng suspek bago o matapos ang insidente.

Nanawagan din ang grupo sa mga residente na maging maingat at agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang lugar.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *