September 6, 2026
1788668548142

Ni Ferds Cuario

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) sa Palawan na nananatiling problema ang Mango Pulp Weevil sa lalawigan, ayon sa ahensiya, nitong nakalipas na Lunes, Agosto 24.

Sa ginanap na Kapihan ng Philippine Information Agency (PIA), kinumpirma nina Eleanor N. Lotivo, OIC-Agriculture Program Coordinating Officer ng DA-Palawan, at Monica Vergara, Information Officer ng DA-MIMAROPA, ang mga tanong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga puno ng mangga sa Palawan.

‎Ayon kay Lotivo, ang Mango Pulp Weevil (Sternochetus frigidus) ay naririto pa rin sa Palawan mula noong natukoy ito taong 1987. Dahil dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglabas ng sariwang mangga mula sa lalawigan papunta sa ibang bahagi ng bansa. Layunin nito na pigilan ang pagkalat ng peste sa iba pang mangoes-producing areas.

“Hindi pa rin pinapayagan ang pag-export o pagdadala ng fresh mangoes mula Palawan. Ito ay quarantine measure na nananatili hanggang ngayon,” paliwanag ni Lotivo.

Idinagdag niya na patuloy ang mga hakbang ng Kagawaran ng Agrikultura tulad ng integrated pest management, paggamit ng sunlight exposure, at pagproseso ng mangga sa dried products at puree upang mabawasan ang epekto sa mga magsasaka.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *