October 7, 2026
1791384870016

Ni Albert Villamor Jr.

Nag-disinfect ang Palawan Provincial African Swine Fever (ASF) Task Force ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa bawat kabahayan na naging biktima ng ASF sa Bgy. Concepcion, Agutaya, Palawan, nitong Oktubre 2-3.

Bahagi ang pagdi-disinfect ng mga biosecurity measure kontra ASF, katulong ang lokal na pamahalaan ng Agutaya at Barangay Concepcion sa pangunguna ng ASF Task Force.

Tinarget ng disinfection ang mga lugar na dinapuan ng ASF, katulad ng mga kabahayan o lugar na may biglang namatay na baboy para wakasan ang pagkalat ng ASF, ayon sa Provincial Veterinary Office (PROVET).

Pati ang iba pang apektadong mga kabahayan at pantalan sa Bgy. Concepcion ay bahagi din ng disinfection, upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Patuloy pa rin ang koordinasyon ng Provincial ASF Task Force, LGU Agutaya at Barangay Concepcion sa pagpapatupad ng biosecurity measures kontra ASF at mapangalagaan ang mga baboy sa lugar kontra ASF.

Ang ASF ay hindi nakamamatay sa mga tao.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *