Gobernadora Alvarez, ‘stressed’ na sa Baragatan ’27
Ni Albert Villamor Jr.
Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang Baragatan sa Palawan Festival sa susunod na taon.
Ayon kay Gobernadora Amy R. Alvarez, ngayon pa lamang ay nai-stress na siya sa paghahanda para sa selebrasyon sa susunod na taon, dahil nais niyang malampasan ang tagumpay na nakamit ng kapiyestahan nitong Hunyo, taong kasalukuyan.
“This first baragatan was very, very successful. We’re already planning for next year. They said nga they want to sell packages earlier, so we’re trying to also plan ahead on what we’re going to do next year para sure na talaga and dapat ma-tap tayong lahat,” ayon pa kay Alvarez.
“We need to top this year’s Baragatan [2026]. Nase-stress na rin ako [tumawa],” ayon rin sa kanya.