‘Binuo ng 8-taon’
Photo courtesy: Tataboom
Repetek News
Malungkot na araw ang bumulaga sa Tataboom, isang sikat na entertainment bar sa Lungsod ng Puerto Princesa, nang ito’y lamunin ng apoy kaninang umaga, Linggo, Agosto 2.
Mahigit labinlimang minuto ang itinagal ng sunog bago naapula hanggang tuluyang maabo ang ilang mahahalagang kagamitan sa lugar. Pader at ilang debris na lamang ang naiwan ng sunog.
“Binuo nang walong taon, nawala in 15 [minutes],” ang malungkot na pagbabahagi ng management ng establisyimento.