August 14, 2026

CIO: Simula na ang distribusyon ng students’ allowances sa Puerto Princesa

0
FB_IMG_1786712999859

Ni Joana Pacquing

Matatanggap na ang tatlunlibong pisong (₱3,000) financial assistance para sa mga kwalipikadong estudyante sa lungsod sa pamamagitan ng digital payout.

Ayon sa City Information Office, ang mga kwalipikadong estudyante ay mula sa mga pampublikong elementarya at sekondarya sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Binigyang-diin ng ahensiya na maisasagawa ang payout sa mga benepisyaryo kapag nakumpleto ang mga kinakailangang dokumento. Patuloy naman ang validation ng mga estudyanteng hindi pa kasama sa paunang payout.

Ito ang kauna-unahang digital distribution ng pogramang Student Financial Assistance na naglalayong mapabilis ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mahigit 72,000 estudyante sa lungsod.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *