Distribusyon ng bigas sa Busuanga
Photo Courtesy: Palawan Island Network
Repetek News
Nakatanggap ng tag-10-kilong bigas ang daan-daang benepisyaryo mula sa Barangay Maglalambay, bayan ng Busuanga, Palawan, nitong Agosto 18, ayon sa ulat.
Isinagawa ang programang “Bawat Bayan Makikinabang” Rice Distribution ng Pamahalaang Nasyunal, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Nilalayon ng pamamahagi ng bigas na makatulong na maibsan ang mataas na gastusin ng mga pamilya pagdating sa pagkain. Nakatulong din ito sa mga residenteng naapektuhan ng pag-iral ng Habagat o Southwest monsoon, kamailan.
Maliban sa Barangay Maglalambay, namamahagi rin ng bigas sa Bgy. Salvacion at islang barangay ng San Isidro.
Samantala, ngayong araw ng Biyernes, Agosto 21, ang huling araw ng distribusyon kung saan inaasahang mabibigyan ang kabuuang 7,496 na pamilya sa bayan ng Busuanga. | via Palawan Island Network