Photo: SP-Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
SA kasalukuyang pagdiriwang ng Indigenous Cultural Community Week, hinihikayat ni Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Arnel Abrina ang mga magulang na gamitin ang katutubong mga lenggwahe o “sadeling lemeg” sa pakikipag-usap sa kanilang mga anak o apo sa kanilang mga tahanan.
Ito ang nilalaman ng kanyang privilege speech sa Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan) nitong araw ng Martes, Hulyo 7.
Karamihan daw kasi ngayon sa bagong henerasyon ay mahusay mag-Tagalog at Mag-English, pero hindi na nakakasalita ng mga katutubong lenggwahe.
Dapat daw ay ipreserba o i-promote ang kultura at tradisyon na ipinamana sa kasalukuyang henerasyon.
Sa Tribong Cuyunon daw, nahihirapan nang magsalita ang mga bagong henerasyon. Sa mga tribong Molbog at Palaw’an, ay minsan na lang marinig ang kanilang katutubong lenggwahe.
May siyam na pangkat-etniko ng mga katutubo ang Palawan.
Nagpaabot naman ng suporta si Board Member Winston Arzaga sa pagdiriwang ng Indigenous Cultural Community Week. Bago raw bumababa sa puwesto si IPMR Abrina, maari raw magpasa ng mga ordinansa ang Sangguniang Panlalawigan ng Palawan (SP-Palawan) na mag-i-institutionalize ng suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng Palawan sa naturang selebrasyon.
l