Mga nagbebenta ng paputok sa Puerto Princesa, iinspeksyunin
Ni Clea Faye Cahayag
Mag-iikot ang Department of Trade and Industry (DTI) Palawan sa mga establisyimento na nagbebenta ng iba’t ibang uri ng firecrackers o paputok sa lalawigan ng Palawan upang tiyakin na ito ay sumusunod sa mga itinakdang panuntunan.
Ayon kay Consumer Advocacy Officer Welson Paz ng DTI Palawan, noong nakaraang taon walang establisyimento na nagbebenta ng paputok ang nakitaan ng paglabag dahil pamilyar na ang mga ito sa mga brand na may kaukulang PS o ICC markings at ang mga produktong wala nito.
Samantala, noong 2024, tatlong (3) wholesaler ng paputok sa lungsod ng Puerto Princesa ang nakitaan ng mga hindi awtorisadong produkto.
“Last year po, compliant ‘yung ating mga dealer ng firecrackers pero nu’ng 2024 doon po tayo may nahulihan na tatlo (3) po na wholesaler ng paputok dito sa Puerto Princesa,” pahayag ng opisyal.
Binigyang-diin naman ang paalala sa publiko na bumili lamang ng mga paputok sa mga awtorisadong retailers at ugaliing inspeksyunin ang label at certifications ng produkto bago ito bilhin.