Kalaboso sa Langogan
Photo courtesy: PPCPO
Ni Rodolfo Idusora
Walang kawala ang 39-anyos na most wanted person nang maaresto ng mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa nabanggit na barangay nitong hapon ng Linggo, Oktubre 4.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan, kaugnay ng kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, inaresto ang suspek na pansamantalang nasa himpilan ng Police Station 5.
Pinangunahan ng Police Station 5 ang operasyon, katuwang ang Provincial Intelligence Team Palawan, City Intelligence Team Puerto Princesa, Regional Intelligence Unit 4B at San Vicente Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, bahagi ang operasyon ng patuloy na pagtugis sa mga wanted na indibidwal na may umiiral na warrant of arrest.