October 3, 2026
1790992997224

Photo from Oliver Kretz FB Page

Ni Ferds Cuario

Maituturing na malaking milestone sa kanyang modeling career ang ipinagdiwang ng Palaweño male model at Man of the World 2026 titleholder na si Oliver Kretz nang siya’y opisyal na maging endorser ng kilalang Filipino lifestyle at clothing brand na BENCH.

Sa isang Facebook post, personal na ibinahagi ni Kretz ang kanyang excitement sa bagong endorsement at nagpasalamat sa Diyos para sa pagkakataong aniya’y nagbukas ng panibagong magandang kabanata sa kanyang journey.

“Officially signed with BENCH/ lifestyle + clothing as an Official Endorser!”

Ibinahagi rin ng Palaweño model ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na naniwala, sumuporta at tumulong sa kanya sa kanyang paglalakbay sa mundo ng modeling.

Partikular niyang pinasalamatan si Ben Chan para sa tiwala at oportunidad na maging bahagi ng BENCH/.

Ang pagkakabilang ni Kretz sa mga endorser ng BENCH/ ay dagdag na hakbang sa patuloy na pag-angat ng kanyang pangalan sa local at international modeling scene, matapos niyang masungkit ang Man of the World 2026 title.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *