August 7, 2026
IMG_20260807_092739

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Rodolfo Idusora

Sapul sa kuhang video ang pagtangay sa itim na Evo helmet noong gabi ng Agosto 3 sa Pablico Road 1, Barangay Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa ulat ng Anti Crime Task Force, inilapit sa kanilang tanggapan ni Mark Temple, 30 taong gulang, at residente ng Barangay Tiniguiban, ang insidente upang i-report ito.

Sinabi ng biktima na nawawala ang kanyang kulay itim na helmet matapos itong tangayin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, nakita ang suspek habang isinasagawa ang pagnanakaw. Nakuhanan din ng video ang motorsiklong gamit ng suspek na isang kulay itim na Honda XRM na may plakang 636VLA.

Pinayuhan ang biktima na magtungo sa Police Station 2 upang magpa-blotter at pormal na maitala ang insidente. Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang blotter report upang mas mapadali ang imbestigasyon at paghahanap sa suspek.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na maging maingat sa kanilang mga gamit, lalo na kapag iniiwan ang mga ito sa mga pampublikong lugar. Pinapayuhan din ang mga may-ari ng motorsiklo na tiyaking ligtas ang kanilang mga helmet at iba pang kagamitan upang makaiwas sa pagnanakaw.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagkalap ng impormasyon kaugnay ng insidente. Hinihikayat din ang sinumang may alam o nakakita sa suspek o sa motorsiklong may plakang 636VLA na makipag-ugnayan sa Police Station 2 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang makatulong sa imbestigasyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *