October 8, 2026
FB_IMG_1791452119654

Photo Courtesy: PRO MIMAROPA

Ni Samuel Macmac

Nakapagtala ang Police Regional Office (PRO) 4B ng 9.30 porsyentong pagbaba sa index crimes mula Enero hanggang Setyembre 2026 kumpara noong nakaraang taon.

Nasa 471 kaso ang naitalang index crimes ngayong taon mula 817 kaso noong 2025, katumbas ito ng 76 insidente na nabawasan. Dahil dito, nagtala ng malaking pagbaba sa rape (18.04%), robbery (19.05%), at theft (12.64%).

Bumaba rin ang kabuuang krimen ng 17.8 porsyento mula 1,560 tungo sa 1,282 kaso, habang bumaba namana ng 20.2 porsyento ang Peace and Order, ayon sa pulisya.

Mula naman Mayo 8 hanggang Oktubre 7, bumaba ang kabuuang krimen ng 18.28 porysento (2,751 tungo sa 2, 248).

Naitala ang pagbaba ng index crimes ng 27.41 porsyento mula 478 tungo sa 347 kaso, habang bumaba ng 12.64 porsyento ang Public Safety Indicator.

Samantala, naitala ang bahagyang pagtaas sa kaso ng homicide mula 12 tungo sa 13 at robbery mula 28 tungo sa 30.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *