Ni Samuel Macmac
Sugatan ang dalawang menor de edad matapos masagsaan ng isang pickup truck na minamaneho ng isang senior citizen sa kahabaan ng National Highway, Bgy. Pasadeña, El Nido, Palawan nitong Hulyo 20.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng Palawan Provincial Police Offiice (PalPPO), naganap ang insidente bandang alas-5:37 ng hapon nang masagasaan ang dalawang menor de edad sa naturang lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon ng El Nido Municipal Police Station (MPS), minamaneho ni alyas “Jay,” 62-anyos, may asawa, at pansamantalang naninirahan sa Bgy. Pasadeña. Bumibiyahe ang sasakyan mula timog patungong hilaga nang biglang tumawid ang dalawang bata sa kalsada. Hindi na nakaiwas ang driver at nabangga ang mga ito.
Rumesponde sa lugar ng insidente ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod ang mga biktima sa El Nido Community Hospital para sa paunang gamutan. Dahil sa malubhang pinasala, sila ay inilipat sa ospital sa lungsod ng Puerto Princesa para sa mas masusing gamutan.
Samantala, nakatanggap ng tawag ang El Nido MPS mula sa kapitan ng Brgy. Pasadena, bandang alas-4:45 ng hapon, na nag-ulat ng insidente. Kaagad na nagtungo ang mga pulis sa lugar at isinailalim sa kustodiya kasama ang sasakyan na nagtamo ng bahagyang pinsala.