Makikita sa larawan si DILG-Palawan Director Myla Panganiban nang dumalo siya sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, kamakailan. Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Nanawagan si Board Member Roseller Pineda sa bagong provincial director ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Myla Panganiban na dapat malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga kulungan at fire protection sa Palawan, Hulyo 21.
Si Pineda ang kasalukuyang ulo ng Committee on Peace and Order ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.
“Sa ngayon, halos kung titingnan natin mostly, very active tayo doon sa pagkilos noong tungkulin ng mga LGU [Local Government Units]. Ang napapabayaan natin diyan, napag-iiwanan iyong regarding on fire protection and jail management. With that, gusto ko sanang bigyan ng pansin ng ating bagong director [Myla Panganiban] na makita iyong mga status ng ating mga kulungan sa bawat munisipyo at ganu’n din iyong kalagayan ng ating Bureau of Fire sa bawat munisipyo. Alam nating malaking kakulangan pa iyan sa Palawan, partiular talaga iyong kulungan,” sabi ni Board Member Pineda.
Ang DILG daw ay nakatoka sa pag-oversee ng kapayapaan at kaayusan ng Pilipinas, ayon din kay Pineda.
Sumagot na man si Panganiban ng mga gagawin ng DILG bilang solusyon sa mga suliraning tinura ni Board Member Pineda.
“To the issue on BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) and BFP (Bureau of Fire Protection), Sir, i-commit ko na iyan na ite-take-up natin siya sa PPOC [Provincial Peace and Order Council], sa Peace and Order Council para magawan po natin ng resolusyon and ma-address po iyong concerned agency natin kasi mas maganda po collective iyong efforts natin para maipahayag natin kung ano po talaga kung ano po iyong talagang nangyayari congestion sa mga jails and also iyong kakulangan po nung mga fire trucks natin sa mga munisipyo. Naiintindihan po natin iyan,” ayon kay Panganiban.
|