October 15, 2026
FB_IMG_1791899949286

Photo Courtesy: DSWD MIMAROPA Region

Ni Albert Villamor Jr.

Nagbigay ng tulong-pinansiyal, pagkain, at non-food items ang DSWD Field Office MIMAROPA sa mga biktima ng sunog sa Zone 4, Barangay Masipag, Puerto Princesa City, Palawan.

Kabuuang ₱520,000 na Cash Relief Assistance (CRA) sa 52 na pamilyang biktima ng sunog ang ibinigay noong Oktubre 5; ₱10,000 ang natanggap na tulong ng bawat pamilya.

Ang DSWD MIMAROPA at lokal na pamahalaan ay patuloy pa rin ang koordinasyon para matukoy ang mga kinakailangang tulong sa mga nangangailangan matapos ang sunog.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *