September 9, 2026
FB_IMG_1788952929914

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr.

Kasalukuyang binibenta sa “Narra Farmers Market: Farm-to-City Market Linkage and Local Agricultural Marketing Initiative” ang mga produktong bunga ng agrikultura ng Narra, Palawan, na opisyal na nagbukas noong Setyembre 3.

Mabibili ang mga naturang produkto sa Department of Agriculture-Palawan Research and Experiment Station o mas kilala bilang “Seed Farm” sa mga tagalungsod, sa Barangay Sta. Monica.

Ito ay programa ng DA MIMAROPA, katuwang ang Municipal Government ng Narra at ang Tarabidan Multi-Purpose Cooperative.

Ilan sa mga produktong mabibili ay ang sariwang mga gulay, root crops, lokal na prutas, karne, at processed food na lahat ay nagugat sa Narra, Palawan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Mr. Reniel Z. Rocaberte, mahalaga ang palengke para sa kita ng mga magsasaka.

“Hindi sapat na mahikayat natin silang magtanim at magparami ng ani. Kailangan din nating tiyakin na pagkatapos ng harvest, may maayos silang mapagbibilhan, patas ang presyo, mababa ang marketing cost, at may sapat na kita pagkatapos ibawas ang gastos sa binhi, abono, labor, fuel, transportation, at iba pang production inputs,” sabi niya.

May suporta ang pamilihan ng Pamaalaang Panlalawigan ng Palawan na pinangungunahan ni Gob. Amy Alvarez, na wala pang opisyal na araw kung kailan magtatapos.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *