August 3, 2026

Ortega: paano nga ba dapat ipinapatupad ang mga ordinasang panlalawigan?

0
FB_IMG_1785630273708

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Albert Villamor Jr.

Paano? Ito ang naging tanong ni Board Member Rafael Ortega Jr. hinggil sa implementasyon ng mga ordinansa sa lalawigan ng Palawan.

Aniya, kapag may ordinansang ipinatutupad sa Palawan, dapat lahat ng transaksyon ng isang tao ay nararapat na sumusunod dito. Kung may pagdududa o agam-agam, dapat resolbahin ito sa korte ng Pilipinas.

Sa mining, kahit nagpatupad na ang pamahalaang panlalawigan ng isang ordinansang nagtatakda ng moratorium o pagbabawal ng pagmimina sa Palawan, ay mayroon pa ring humihiling na magkaroon nito.

“Ngunit ang tinatanong po ng mga Sangguniang Barangay na amin pong pinapadalahan [kopya ng Ordinansa] ay iyong iba po gusto pa rin mag-endorse. May munisipyo nga po na nag-endorse pa rin sa kabila na mayroon ng moratorium ordinance ngunit nag-endorso pa rin [ng mining],” sabi ni Ortega.

Nais ni Ortega na magpalaganap ng impormasyon ang Department of Interior and Local Government hinggil sa tamang pagpapatupad ng mga provincial ordinance.

“So iyon po sana ang maging malinaw, DILG, ang paalala sa mga Sangguniang Bayan, Sangguniang Barangay na once there is moratorium ordinance adopted by the Provincial Government of Palawan, therefore, hindi na po pup’wedeng mag-endorso base [r]oon sa nasabing provincial ordinance unless kinwestiyon po sa court of law na iyong amin pong moratorium ordinance ay ultra vires o hindi po tama,” sabi ni Ortega.

Ang mga provincial ordinance ba ay “encompassing” o dinadamay ang lahat ng lugar sa Palawan?

Ayon kay Board Member Ortega: “Base [r]aw po sa Republic Act 7160 [Local Government Code of 1991], may sariling autonomy ang ating mga barangay at ating Sangguniang Bayan. Pero sabi naman po [r]oon sa isang opinion, being the substate of the provincial government and Sangguniang Panlalawigan, therefore, dapat ang provincial ordinance ay encompassing in nature”.

“Kaya po ang ginagawa na lang namin para iyong question of law ay hindi na manatili iyong gray area, nilalagay na lang po namin o pakiusap sa Sangguniang Barangay o sa Sangguniang Bayan, na dapat ina-adopt nila ang provincial ordinance just to make sure na wala po iyong gray area,” dagdag pa niya.

Ang gray area ay ang mga parte ng isang bagay na hindi malinaw, mahina, o kadeba-debate.

“So iyon po sana ang mga bagay na iyon na maipaliwanag sa ating mga Sangguniang Barangay, Sangguniang Bayan. Paano nga ba ang tamang pagtanaw sa mga ganitong sitwasyon, lalo na sa katanungan pagdating sa moratorium ordinance sa lalawigan ng Palawan?” ayon din kay Ortega.

Ang Republic Act 7160 ay isang batas na nagtatakda ng mga kapangyarihan o mga katungkulan sa mga lokal na pamahalaan. Ang Provincial Ordinance ay isang opisyal na pagpayag o pagbabawal ng pamahalaan sa pagsasagawa ng isang aktibidad.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *