Pang. Marcos: Electric vehicles, target na gawing marami sa Pilipinas
Ni Albert Villamor Jr.
Minimithi ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng maraming electric vehicles sa Pilipinas.
Ang electric vehicle ay sasakyan na umaandar sa kuryente, hindi sa gasolina o krudo.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may mga ginagawa na ang gobyerno para makatulong sa pagkakaroon ng electric vehicles sa Pililipinas.
Tinanggal na ng gobyerno ang taripa sa mga electric vehicles hanggang 2028 para bumaba ang presyo nito, at may mandato na rin ang gobyerno na gawing prayoridad ang mga electric vehicles sa kanilang “refleeting plans”.
“Consistent with our clean energy drive, we have encouraged the adoption of electric vehicles. We have removed all tariffs on EVs until 2028 to bring down market prices, and government has also been mandated to prioritize electric vehicles in their refleeting plans,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang ika-6 State of the Nation Address (SONA), Hulyo 27.
Tinutulungan na rin ng gobyerno ang mga gumagawa ng mga baterya at spare parts ng mga electric vehicles sa value-chain nito.
“This clean and green policy is two-pronged: it shall also spur growth of our domestic local industries across the EV value chain, specifically those involved in the vehicle assembly and manufacturing of batteries and related spare parts,” dagdag pa niya.
Mithiin natin na sa pagdating ng 2040, kalahati ng mga sasakyan natin ay EV na. Ang ilang makabagong Love Bus at ang articulated bus na gagamitin sa Davao City mga EV na, ayon din kay Pangulong Marcos.
Hinihiling niya ang suporta para maisakatuparan ang pagkakaroon ng maraming electric vehicles sa Pilipinas.
“Kaya hinihiling ko ang suporta ng buong industriya upang mapaandar na natin sa lalong madaling panahon ang ating minimithing Modernisasyon ng mga Pampublikong Sasakyan. Titiyakin natin na magiging makatao, magaan, at makatarungan ang pagpapatupad nito,” sabi niya.
“Tulad ng aking nabanggit, dapat mataas ang kalidad, matibay, at maghahatid ng pangmatagalang ginhawa sa taumbayan ang lahat ng pampublikong imprastruktura,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.