Photo courtesy: Balayong Peoples’ Park
Ni Clea Faye G. Cahayag
Inaanyayahan ni City Mayor Lucilo Bayron ang mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa na makiisa sa pagdiriwang ng Balayong Tree Planting and Nurturing Festival sa araw ng Sabado, Hulyo 25.
“Sa Sabado, ‘yung ating Balayong Tree Planting and Nurturing Festival. Ini-encourage ko kayong lahat, bisitahin n’yo ang inyong Balayong Tree, papicture kayo [r]oon, dalahin n’yo ‘yung mga apo at anak n’yo para every year kung gaano kabilis lumalaki ang puno at kung gaano lumalaki ‘yung mga anak at apo natin.
Kita-kita tayo sa Sabado. Aantayin namin kayo sa Sabado, sama-sama tayo, pagtulungan natin dahil talagang patunayan natin na Peoples’ Park ‘yung ating Balayong Park sa Puerto Princesa,” ang imbitasyon ng Alkalde.
Ang Balayong Tree Planting and Nurturing Festival ay isa sa mga environmental programs ng lokal na pamahalaan na layuning pangalagaan ang kalikasan.
Ito ay sinimulan noong 2017 kung saan sama-samang nagtatanim at nag-aalaga ng mga puno ng Balayong ang mga mamamayan.
Ngayong 2026, ang ika-9 na taong pagdiriwang nito na may temang “Growing Together as One Community”.