Repetek News
Naranasan ang power interruption sa ilang bahagi ng Lungsod ng Puerto Princesa nitong hapon ng Miyerkules, Hulyo 29.
Ayon sa power service advisory ng Palawan Electric Cooperative, naapektuhan ang mga lugar sa ilalim ng San Jose Circuit, partikular ang Barangay San Jose, San Manuel, Tagburos, Sta. Lourdes hanggang Sitio Magarawak, at ilang bahagi ng Barangay Sicsican.
Naganap ang Automatic Load Dropping (ALD) matapos mag-trip ang GCB1 breaker sa 69kV transmission line mula DMCI Aborlan patungong Narra, na nagresulta sa pagkawala ng supply sa DMCI Thermal at pag-trip ng Unit DG2 ng Deltap.
Naibalik ang suplay ng kuryente alas-4:15 ng hapon.