Partisipasyon at kontribusyon sa lipunan ng kabataan ng Taytay, nilinang
Photo Courtesy: PSWDO
Ni Albert Villamor Jr.
Bilang tulong sa pagpapalawak ng kontribusyon ng mga kabataan sa komunidad at pag-unlad, nagkaroon ng Mandatory Training Program sa mga miyembro ng Taytay Palawan Municipal Youth Development Council (TPMYDC) noong Hulyo 22–24, 2026.
Ang pagsasanay ay naglalayong tulungan ang Local Youth Development Council (LYDC) sa pagkakaroon ng epektibong kontribusyon ang mga kabataan sa lipunan. Bahagi ang TPMYDC ng LYDC.
Si Provincial Youth Development Officer Odessa O. Del Mundo ang nagsilbing pangunahing tagapagsanay. Tinalakay niya ang Local Youth Development Program, at Local Youth Development Council (LYDC).
Nagkaroon din ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Information, Education, and Communication (IEC) sessions sa mga junior at senior high school para sa kanilang pakikiisa sa pag-unlad ng komunidad.
Ang naturang Mandatory Training Program ay bahagi ng + PLUS Development Agenda ni Gov. Amy Roa Alvarez. Inilunsad din ang naturang pagsasanay ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng PSWDO.
Nanumpa rin sa pagsasanay ang mga miyembro ng TPMYDC.