Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Albert Villamor Jr.
Nakapatayo ng 600,000 na kabahayan ang gobyerno para sa mga Pilipino.
Sa ika-5 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 27, isiniwalat niya na nakapagpatayo na ang gobyerno ng mga bahay sa ilalim ng 4PH (Pambansang Pabahay para sa Pilipino) Program at Pag-IBIG Fund.
“Sa ating programang pabahay, higit limandaanlibong bahay ang ating naitayo na at napondohan, kasama ang higit isandaanlibong bahay na naidagdag natin sa loob lamang ng isang taon sa ilalim ng pinalawig natin na 4PH program,” sabi ni Pangulong Marcos.
“Isa na rito ang Pag-IBIG Fund. Ang kanyang labimpitong milyong miyembro ngayon ay patuloy pang dumadami, kung kaya ang pinupundar ng mga miyembro ay patuloy ding lumalago,” sabi niya.
Itinaas na rin sa sampung milyong piso ang limit sa pautang para sa pabahay ng PAG-IBIG Fund.
“Halimbawa, dahil dito, ang mag-asawa ay mas may kakayahang bumili ng pinapangarap nilang bahay para sa kanilang pamilya,” sabi niya.
“Susi sa lahat ng ito ang magandang sistema ng pautang, upang gawing mas abot-kaya ang mga pabahay para sa mga Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.