August 23, 2026

Rizal ang pansamantalang PCG Regional Training

0
1787491838115

PCG File Photo

Repetek News

Kinumpirma kamakailan ng pamunuan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) na pansamantalang inilipat ang kanilang Regional Training Center (RTC) sa Barangay Punta Baja, nabanggit na bayan.

Prayoridad sa aplikasyon ang mga aplikanteng residente ng ng lalawigan ng Palawan ngunit maaari ring dagdagan ng mga recruit mula sa iba pang distrito kapag hindi napupuno ang itinakdang bilang, ayon kay Commodore Jane J. Gesulgon, CGDPAL Acting Commander.

Aniya, ginagawa ito upang ma-maximize ang kapasidad ng mga training center sa bansa.

“Dito po sa Palawan, priority is ‘yung ang taga[r]ito. Kapag kinulang po [r[oon sa number, dinadagdagan po ng recruits from other district. Same with sa kanila [r]in po kasi mina-maximize po natin ‘yung number,” ani Gesulgon.

Ayon pa sa opisyal, may mga pagkakataon din na ang mga aplikanteng taga-Palawan ay ipinapadala sa ibang training center kapag ginagamit ang nabanggit na pasilidad.

“Minsan po kahit taga[r]ito kung may gumagamit sa training center natin ipapadala po sila [r]oon sa ibang Regional Training Center kung saan po available, depende sa schedule, ‘yun po ang nangyayari,” dagdag pa nito.

Layunin ng pagtatayo ng mga training center na mailapit ang proseso ng recruitment at training sa mga aplikante.

Sa Palawan, maaari nang isagawa ang ilang mahahalagang proseso tulad ng medical examination at physical assessment nang hindi na kinakailangang pumunta sa kamaynilaan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *