August 23, 2026

Iniligtas sa karagatan Ng Southern Leyte

0
1787491414874

Photo Courtesy: Philippine Coast Guard

Repetek News

Nagka-‘engine trouble’ ang bangkang M/B Indoraptor sa katubigan ng Barangay Tangkaan sa bayan ng Padre Burgos, Southern Leyte, nitong Agosto 22.

Mabilis na tumungo sa nasabing katubigan ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pamamagitan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Padre Burgos, na matagumpay na nailigtas ang limang crew members at tatlumpung pasahero ng nasabing bangka.

Ayon sa Philippine Coast Guard, itinatawag ng isang lulang pasahero ang insidente. Mabilis na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng ahensiya upang ligtas na maihatid ang tatlumpu’t limang indibidwal sa pantalan ng Padre Burgos.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *