September 29, 2026
FB_IMG_1790687032547

Photo Courtesy: PRO MIMAROPA

Ni Samuel Macmac

Huli sa ikinasang joint anti-smuggling operation ang anim (6) na indibidwal at nasabat ang mahigit P48.4 milyong halaga ng kontrabando sa karagatang sakop ng Barangay Inogbong, Bataraza, Palawan.

Sa operasyon, nasabat ang isang vessel na naglalaman ng libu-libong reams ng sigarilyo at daan-daang litro ng diesel bandang alas-6:00 ng umaga nitong Setyembre 27.

Nakumpiska ang tinatayang P23.7 milyon ang halaga ng 337 master cases ng Oris cigarettes, nagkakahalaga naman ng P24.1 milyon ang 383 master cases ng New Berlin cigarettes, at P51,660 halaga ng 41 reams ng parehong brand.

Bukod dito, nasamsam din ang 900 litro ng diesel na tinatayang P106,200 at ang fishing vessel na nagkakahalaga ng P400,000.00.

Sa kabuuan, umabot sa P48,437,860 ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando. Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 12022, Republic Act 10643, Provincial Ordinance 3159, at Presidential Decree 1865.

Pinuri ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office (PRO), ang matagumpay na operasyon sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakasamsam ng malaking halaga ng puslit na sigarilyo at diesel.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *