September 18, 2026

Soft-opening ng DepEd Sub-Office sa Roxas tulong pang-administratibo, supervision sa mga kawani ng DepEd

0
FB_IMG_1789603681218

Ni Albert Villamor Jr.

Sa October 1, pasisinayaan na ang Department of Education (DepEd) Sub-Office Roxas.

Tumulong si Roxas Mayor Pedy Bautista Sabando para maisakatuparan ito.

Makatutulong ang pagkakaroon ng Roxas Sub-Office para mapagaan ang mga trabahong pang-administratibo ng mga kawani ng Department of Education-Palawan.

Umaasa si DepEd-Palawan Schools Division Superintendent Loida Adornado na matuloy ito, dahil sa silbi nito para mapagaan ang mga trabahong pang-administratibo na p’wede namang matapos sa Roxas na kawaniwa’y dinadala pa sa opisina ng Dep-Ed sa Puerto Princesa City.

“Somehow mababawasan ang bulk of work, bulk ng mga documents, at ito po ay libreng in-offer po naman ni mayor na [r]oon po sa likod mayroon pong dalawang magkahiwalay na opisina na p’wede pong mag-operate, p’wedeng mag-function and it will serve the purpose na mayroon po tayong sub-office,” sabi ni Adornado.

“Usually, maki-cater po namin na services kalapit ng Roxas, Araceli, Dumaran, Taytay, San Vicente, El Nido, Linapacan, kasi [r]oon po bumabyahe iyan. Pero ang Cuyo dahil sila ay nakadepende sa biyahe ng Montenegro [t’]saka ng Milagrosa sa pier pa rin, dito pa rin iyan sa atin [DepEd Palawan Office],” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niya ang nararanasang dami ng trabahong pampapeles na kinaharap ng mga kawani ng DepEd sa Northern (Hilaga) Palawan.

“We have identified basic tasks na p’wedeng gawin tulad ng bakit ang dito sa amin, kung magpe-pirma din lang ng travel authorities nila; dalawa naman ang ASDS, pwede nang doon [Sub-Office]. Iyong other na mga office functions, magsa-submit ng mga retirement, ng mga maternity leaves, mga first project proposals sa CID (Curriculum Implementation Division) Team, ang kanilang submission at liquidation, bakit kailangan pang bulk, dito pa kailangang dalhin na pwede na ring pagisahin doon [DepEd Roxas Sub-office]. Mayroon naman kaming mga AOs na pwedeng mag-check at mag-convene, pwede rin naman na doon na mga district supervisors,” ani ni Adornado.

“Sana ma-improve pa naming ang supervision, ma-intensify pa naming sa pamamagitan niyan. Naniniwala naman tayo,” dagdag pa niya.

Kauna-unahan itong mangyayari, ayon kay Maylyn G. Dilig, OIC-SGOD Chief ng DepEd-Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *