Topnotchers mula sa PalSU
Ni Ven Marck Botin
Dalawa mula sa alumni ng Bachelor of Science in Social Work program ng Palawan State University-Puerto Princesa Campus ang kasama sa topnotchers’ list ng September 2026 Social Worker Examinations.
Top 6 si Ms. Kate Ember Rana Manlavi nang makakuha siya ng general average na 92.20 percent kasama niya sa nasabing spot ang sampung iba pa mula sa iba’t ibang pamantasan sa Pilipinas.
Hindi rin nagpahuli si Ms. Iris Ruba Alegre nang mapabilang siya sa Top 9 spot kasama ang 16 pang successful examinees sa bansa. Nakakuha si Alegre ng 91.60 percent general average.
