Gulong pumutok, panel van tumagilid sa Maruyugon
Photo courtesy: Tagbanuas Vlog
Ni Rodolfo Idusora
Tumagilid sa gilid ng national highway ang isang panel van nang umano’y pumutok ang isa sa mga gulong nito sa Barangay Maruyogon, Puerto Princesa City, bandang alas-8 ng umaga nitong Setyembre 17.
Ayon sa inisyal na impormasyong nakalap ng
Repetek News
, posibleng may kaugnayan sa bigat ng kargamento ng sasakyan ang pagputok ng gulong.Matapos pumutok ang gulong, nawalan umano ng maayos na kontrol ang driver sa panel van. Nagpagewang-gewang ang sasakyan habang umaandar hanggang sa tuluyang tumagilid sa gilid ng kalsada.
Mabuti na lamang at walang naiulat na nasaktan sa insidente, kabilang ang driver at iba pang posibleng sakay ng sasakyan.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office – Police Station 5 upang alamin ang nangyari at matiyak ang kaligtasan sa lugar.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang eksaktong dahilan ng pagputok ng gulong at kung may iba pang salik na naging sanhi ng pagkakatagilid ng panel van.
Paalala naman sa mga motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe, lalo na ang mga gulong at sistema ng pagkakarga ng mga dalang kagamitan o produkto.