September 5, 2026
FB_IMG_1788565312706

Ni Samuel Macmac

Sugatan ang isang tricycle driver matapos mabangga sa isang van na mabilis na tumawid sa Tiza Street, Brgy. Poblacion ng bayan ng Narra, Palawan umaga nitong Agosto 27.

Nagtamo ng pinasala ang 58-anyos na magsasaka. Nakabanggan ng kaniyang minamanehong tricycle ang isang van sa nasabing lugar bandang alas-10:35 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si alyas “Tammy” at residente ng Brgy. Poblacion, Narra. Minamaneho niya ang isang pulang Matcho 175 tricycle na may maroon sidecar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS), habang bumibiyahe ang nasabing tricycle mula timog patungong hilaga, biglang tumawid ang isang silver metallic Toyota Hi-Ace commuter van na minamaneho ni alyas “Ading”, 21-taong gulang na PUV helper mula Rizal, Palawan.

Ayon sa pulisya, mabilis umano ang takbo ng van dahilan upang mabangga ito ng tricycle. Agad namang rumesponde ang Narra Emergency Unit (NERU) at dinala ang tricycle driver na si Tammy sa Narra Municipal Hospital para sa agarang gamutan. Samantala, ligtas ang driver ng van at tatlong pasahero nito.

Dahil sa nasabing insidente, parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan na kasalukuyang nasa kustodiya ng Narra MPS para sa masusing imbestigasyon at tamang disposisyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *