September 7, 2026

Vietnamese vessel na pumarada sa Linapacan waters, sinuri bago tumulak pauwi

0
1788662431563

Photo courtesy: CGDPAL

Ni Rodolfo Idusora

Sinuri ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Vietnamese cargo vessel na pansamantalang pumarada sa karagatan ng Cabulauan Island, nabanggit na bayan.

Iniulat ng Local Government Unit (LGU) ng Linapacan ang presensya nito sa Philipppine Coast Guard. Mabilis na ikinasa ang visit, board, and search operation nitong Setyembre 3, bilang bahagi ng safety at security check sa barkong Vinh Quang Dynamic.

Mahigpit na siniyasat ng mga tauhan ng Coast Guard ang barko para alamin ang kondisyon nito at tiyakin ang kalagayan ng mga tripulante na ilang araw nang nananatili sa lugar. Nakumpirmang balido at maayos ang mga ito.

Sinuri rin ng mga tauhan ng PCG ang barko para sa posibleng pagbibiyahe ng mga ilegal na bagay. Ayon sa ahensiya, walang nakitang ilegal na item sa isinagawang operasyon.

Patuloy namang binabantayan ng ahensiya ang M/V Vinh Quang Dynamic habang nananatili ito sa karagatan ng Linapacan. Makalipas ang dalawang araw, Setyembre 5, ligtas na umalis sa Linapacan ang naturang barko at nagpatuloy sa paglalayag patungong Vietnam.

Ayon sa Coast Guard, bahagi ng kanilang tungkulin ang regular na pagbabantay at pagtugon sa mga ulat na may kaugnayan sa kaligtasan at seguridad sa karagatan.
Mahalaga rin umano ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang mabilis na matugunan ang anumang maritime concern sa kanilang nasasakupan.

Patuloy ding nagpapatupad ang CGDPAL ng maritime patrol at monitoring upang matiyak ang kaligtasan ng mga nasa dagat at mapanatili ang seguridad at kaayusan sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *