August 11, 2026
FB_IMG_1786369038440

Photo Courtesy:

Repetek News

Ni Ferds Cuario

‎Naglabas ng opisyal na pahayag ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) kaugnay ng iniulat na pagkawala ng tinatayang ₱3 milyong pondo mula sa Most Sacred Heart of Jesus Parish sa Rio Tuba, sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Sa inilabas na pahayag ng ni Bishop Socrates C. Mesiona, buong pakikipagtulungan ang ibinibigay ng Bikaryato sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang katotohanan at malinawan ang mga pangyayari.

“Nakalulungkot at nakababahala ang naiuulat na pagkawala ng tinatayang tatlong milyong piso mula sa Most Sacred Heart of Jesus Parish sa Rio Tuba, Bataraza, Palawan,” pahayag ng AVPP.

Hinikayat din ng AVPP ang sinumang may impormasyong makatutulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad. Kasabay nito, humiling ang Simbahan ng panalangin mula sa mga mananampalataya upang manaig ang katotohanan at katarungan.

“Buong pakikipagtulungan ang ibinibigay ng Bikaryato sa kasalukuyang imbestigasyon isinasagawa ng mga awtoridad upang matukoy ang katotohanan at malinawan ang mga pangyayari,” ayon pa sa pamunuan ng simbahan.

Dagdag pa nila, “Hinihikayat din namin ang sinumang may impormasyong makatutulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad”.

“Hinihiling namin ang panalangin ng lahat upang manaig ang katotohanan at katarungan,” ayon pa sa simbahan.

Samantala, patuloy pang inaalam ng

Repetek News

ang karagdagang detalye ng insidente mula sa mga otoridad at opisyal ng simbahang Katoliko.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *