Photo courtesy: Facebook Page ng Reina Filipinas
Ni FFerds Cuario
Opisyal nang sumabak ang Palawenyang beauty queen na si Angelica Lopez sa kauna-unahang edisyon ng Reina Filipinas.
Ipinakilala si Lopez sa ginanap na sashing ceremony sa Tagaytay City, nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13.
Sinabi ng organisasyon na “The Mo-Reina Breadwinner of Palawan,” si Lopez na kumakatawan sa kanyang kuwento ng pagsisikap at pagtulong sa kanyang pamilya habang tinutupad ang pangarap sa mundo ng pageantry.
Bitbit ang pangalan at karangalan ng Palawan, muling haharap si Lopez sa isa na namang malaking pambansang kompetisyon na pinamumunuan ng kilalang shoe designer na si Jojo Bragais.
Ang magiging grand winner ng Reina Filipinas ang magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International, habang dalawa pang kandidata ang pipiliin para sa MGI All Star.
Nakatakdang idaos ang Coronation Night ng Reina Filipinas sa Agosto 7. Kaabang-abang ang coronation night dahil maraming sumabak muli na kandidata na mga dating title holders na rin.
Samantala, umaapaw ang suporta ng mga Palawenyo kay Angelica Lopez, na umaasang muli niyang maipagmamalaki ang Palawan sa entablado ng pambansa at International pageantry
Si Angelica Lopez ay naging Miss Puerto Princesa 2018, Binibining Pilipinas International 2023.