October 2, 2026
Screenshot_20260715_213900_com_facebook_katana_ImmersiveActivity_edit_101221016593625

Photo courtesy: Facebook Page ng Reina Filipinas

Ni FFerds Cuario


‎
‎Opisyal nang sumabak ang Palawenyang beauty queen na si Angelica Lopez sa kauna-unahang edisyon ng Reina Filipinas.

Ipinakilala si Lopez sa ginanap na sashing ceremony sa Tagaytay City, nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13.
‎
Sinabi ng organisasyon na “The Mo-Reina Breadwinner of Palawan,” si Lopez na kumakatawan sa kanyang kuwento ng pagsisikap at pagtulong sa kanyang pamilya habang tinutupad ang pangarap sa mundo ng pageantry.
‎
‎Bitbit ang pangalan at karangalan ng Palawan, muling haharap si Lopez sa isa na namang malaking pambansang kompetisyon na pinamumunuan ng kilalang shoe designer na si Jojo Bragais.
‎
‎Ang magiging grand winner ng Reina Filipinas ang magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International, habang dalawa pang kandidata ang pipiliin para sa MGI All Star.
‎
‎Nakatakdang idaos ang Coronation Night ng Reina Filipinas sa Agosto 7. Kaabang-abang ang coronation night dahil maraming sumabak muli na kandidata na mga dating title holders na rin.
‎
‎Samantala, umaapaw ang suporta ng mga Palawenyo kay Angelica Lopez, na umaasang muli niyang maipagmamalaki ang Palawan sa entablado ng pambansa at International pageantry
‎
‎Si Angelica Lopez ay naging Miss Puerto Princesa 2018, Binibining Pilipinas International 2023.
‎

Author