August 15, 2026
FB_IMG_1786712521069

Photo:

Repetek News

Ni Albert Villamor Jr.

Nu’ng mga nagdaang araw, umuuso na naman ang Tai Chi. Matagal na itong isinasagawa. Noong 2007 pa lamang, may mga isinulat ng talaan tungkol sa kasaysayan nito. Sa isang blog post ni Dr. Paul Lam ng Tai Chi for Health Institute, dinetalye niya kung ano ang kasaysayan ng aktibidad na ito.

Ayon kay Dr. Paul Lam, iba-iba ang anyo ng Tai Chi. Ilan sa mga ito ay ang: Chen Style, Yang Style, Wu Style, Wu Style, Sun Style.

Ang Tai Chi ay nagmula sa China. May mga nagsasabi naman na “obscure” raw ang kasaysayan ng Tai Chi, pero mahihinuwa na sa China talaga nagmula ito base sa mga talaan sa internet.

Paano nga ba ginagawa ang Tai Chi?

Ayon sa Harvard Medical School, kakaiba ang Tai Chi sa ibang klase ng ehersisyo. Dito kasi, ang galaw mo ay pabilog at hindi pilit; ang mga muscle mo ay relax lang at hindi pinipilit; ang iyong mga buto ay hindi pwersang tinutupi; at ang iyong connective tissues ay hindi stretched.

P’wede ang ehersisyong Tai Chi sa mga taong nasa wheelchair o nagpapagaling mula sa isang operasyong medikal.

May potensiyal din ang Tai Chi sa pagpapagaling ng sakit at pagbawas ng stress sa isang indibidwal. Mas maganda ring mag-practice ka ng mag-Tai Chi habang wala ka pang sakit o chronic illness o functional limitations, ayon din sa Harvard Medical School.

Ayon naman sa Vogue, ang Tai Chi ay isang paggalaw para ma-relax mo ang iyong katawan at isip.

Sa napanood kung video sa Youtube sa “Rooted Alchemy Tai Chi & Qigong”, nakita ko kung paano ginagawa ang ilang aksyon sa pagsasagawa ng Tai Chi. Totoo ngang relaxing ang galawan sa Tai Chi. Ang bawat paggalaw ng iyong katawan ay hindi pilit, at parang mas nakaka-konekta kay Inang Kalikasan habang hinahabol mo iyong hininga.

Ayon sa Vogue, may mga benepisyo talaga ang Tai Chi. At hindi mo na rin kailangan pang dumalo sa isang pagtitipon ng mga nagta-Tai Chi para masubukan ito. Pwede kang maglakad sa paraang Tai Chi o ‘Tai Chi walking’.

May nagsasabi pala na kailangan mo raw magpaalam sa iyong doktor bago ka mag-Tai Chi kung may mga iniinda kang sakit.

Paano ba ginagawa ang Tai Chi?

May mga bidyo kang mapapanood sa internet, o magpaturo sa marunong nito.

Laging tandaan na ang Tai Chi ay isang martial art sa China bago ito nakitaan ng potensiyal sa kalusugan ng tao.

Good luck; nasasaiyo iyan kung gusto mong subukan!

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *