September 28, 2026
FB_IMG_1790632859264

Photo Courtesy: DENR MIMAROPA

Repetek News

Sa patuloy na pakikibaka laban sa tumitinding hamon ng polusyon at climate change sa buong mundo, isang daang libong piraso ng basura ang nakolekta ng libu-libong boluntaryo mula sa 19 sites sa rehiyong MIMAROPA para sa ikinasang International Coastal Cleanup (ICC).

Plastic bottles ang itinuturing na isa sa pinakamapanganib na uri ng maine litter, ayon sa Ocean Conservancy Org.

Ayon sa kanilang malawak na pag-aaral, natuklasan na ang ingestion ng microplastics (kabilang ang plastic bottles at caps) ay nagdudulot ng 90 porsyentong chance of mortality sa sea birds, sea turtles, at marine mammals.

Sa sabayang paglilinis na ginanap sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, nakiisa ang 6,059 boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor upang alisin ang mga basura sa baybayin, ilog, at iba pang lugar na prayoridad ng proyekto.

Batay sa tala ng Ocean Conservancy Data Card, pinakamaraming nakolektang basura ang mga palstic bottles na umabot sa 17, 129 piraso, sinundan ng 9,615 food wrappers, at 6, 849 plastic caps.

Sa pamamagitan ng libu-libong piraso at uri ng basura na nakolekta, makatutulong ang mga ito para sa mas epektibong waste-reduction measures.

Taunang isinasagawa ang ICC tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre alinsunod sa Presdential Proclamation No. 470, Series of 1994. Kasabay din ito ng pagdiriwang ng Marimtime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo) 2026.

Samantala, binigyang-diin sa ICC Report na lumalala na ang polusyon ng basura sa dagat na umabot na sa 13.8 milyong piraso ng basura ang nakolekta sa buong mundo noong 2025.

Pinakakaraniwang basura ang upos ng sigarilyo na nakokolekta sa mga coastal cleanup sa buong mundo mula pa taong 1986, na umabot na sa mahigit 65 milyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *