September 19, 2026
FB_IMG_1789700476248

Ni Albert Villamor Jr.

Kabuuanh ₱150,000 ang kabuuang halaga ng tulong na naiabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa lima pang nagpapagaling na nakaligtas sa nasunog ng MV June Aster, Setyembre 13.

Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang lima pang nakaligtas sa trahedya na kasalukuyang nasa Culion Sanitarium and General Hospital.

Kinamusta rin sila ng PSWDO at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan habang nagpapagaling.

Samantala, nakatanggap din ng tulong ang mga naiwang pamilya ng mga nasawi, sa Coron at Culion mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Patuloy pa ring nakaantabay ang Pamahalaang Panlalawigan para tumulong at sumuporta sa mga nakaligtas sa trahedya, kanilang mga pamilya, at sa mga naapektuhan ng trahedya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *