November 14, 2026
FB_IMG_1794537459625

Photo Courtesy: DSWD MIMAROPA

Ni Samuel Macmac

Namayagpag ang DSWD Field Office MIMAROPA sa lungsod ng Davao matapos magwagi ng siyam na parangal sa Project LAWA at BINHI Resilience and Impact Summit.

Kamakailan, umani ng parangal ang MIMAROPA dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa climate resilience, food security at sustainable livelihood sa rehiyon.

Nakapagtala ang naturang ahensya ng mahigit 4,800 partner-beneficiaries sa rehiyon sa pamamagitan ng Cash-for-Training and Work. Mula pa taong 2024, pinalalakas ng Project LAWA at BINHI ang mga komunidad sa pamamagitan ng mga inisyatiba para sa suplay ng tubig, produksyon ng pagkain, at mga kabuhayang matatag sa gitna ng epekto ng pagbabago ng klima.

Sa kabila ng mga hamon tulad ng El Nino, binigyang-diin naman ni DSWD MIMAROPA OIC-Regional Director Allyp Albert L. Baybayan, na ipinapakita ng Project LAWA at BINHI na kayang maging mas handa at mas sapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga komunidad.

Samantala, patuloy na isinusulong ng programa ag pagtatayo mga water conservation facility, communal gardens, agricultural production projects, at community-based livelihood initiatives sa rehiyon upang higit pang mapalakas ang kakayahang makasabay ang mga komunidad sa pagbabago ng klima.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *