August 1, 2026

KALSADA MULA JACANA HANGGANG LIBERTY, MAAYOS NA

0
FB_IMG_1784293474324

Photo courtesy: CIO Puerto Princesa

Ni Ferds Cuario

‎Pormal nang pinasinayaan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang bagong konkretong kalsada mula Jacana Road hanggang Liberty-Puloy noong Hulyo 7.

‎Nagkakahalaga ng ₱61,259,492.76 ang proyekto. Saklaw nito ang bahagi ng kalsada mula Barangay Bancao-Bancao hanggang Barangay Bagong Sikat.

‎Ayon sa pamahalaang panlungsod, layunin ng proyekto na mapabilis at mapagaan ang biyahe ng mga motorista at residente na araw-araw na dumaraan sa naturang ruta.

‎Matatandaan, bukod sa naturang kalsada, pinasinayaan din kamakailan ang iba pang proyektong pang-imprastraktura at serbisyong pampubliko sa lungsod. Kabilang dito ang bagong 3-storey, siyam na silid-aralan na gusali na may solar panels sa Valentin Macasaet Memorial Elementary School, ang bagong Mini City Hall sa Barangay Macarascas, ang bagong Digital X-Ray machine at laboratory equipment sa Macarascas Enhanced Satellite Clinic, at ang bagong City Engineering and Architecture Building.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *