October 3, 2026
1790995195323

Photo courtesy: PPCPO-PS1

Ni Rodolfo Idusora

Maghihimas-rehas ang 21-anyos na lalaki nang madakip sa buy-bust operation ng Police Station 1 sa Barangay Bancao-Bancao, Lungsod ng Puerto Princesa, noong gabi ng Oktubre 1.

Ayon sa pulisya, nakuha sa binata ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng ‘white crystalline substance’ na pinaniniwalaang ‘shabu’. Tinatayang may bigat na 0.66 gramo at estimated market value na ₱4,448.

May iba ring non-drug items na nakuha mula sa suspek.

Agad na minarkahan at inimbentaryo ang mga nasamsam na ebidensya sa lugar ng operasyon sa harap ng isang barangay kagawad ng Barangay Bancao-Bancao at isang media representative.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1 ang naarestong suspek.

Nakatakdang isampa laban sa kanya ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa pamamagitan ng inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *