Photo Courtesy: 203rd Brigade
Ni Samuel Macmac,
Babala: Sensitibo ang paksa at larawan. Maging disente sa pagkomento.
Nasawi ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa dalawang magkasunod na sagupaan sa Bgy. Del Pilar Naujan, lalawigan ng Oriental Mindoro, nitong nakalipas na Miyerkules, Hulyo 29.
Batay sa ulat, ikinasa ng 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade ng Philipppine Army ang operasyon nang makatanggap ng ulat mula sa mga residente hinggil sa presensya ng armadong grupo sa kanilang lugar.
Sa naturang engkwentro, narekober ang ng mga awtoridad ang iba’t ibang armas kabilang ang isang Bushmater rifle, isang M4 rifle, isang M16 rifle, tatlong bandolier, at 11 magazine.

Photo Courtesy: 203rd Brigade
Bukod pa rito, nakuha rin ang dalawang radyo, mga gamit para sa IED, apat na backpack na may personal na gamit, at mga dokumentong subersibo. Patuloy naman isinasagawa ang pursuit operations laban sa mga tumakas na kasapi ng grupo.
Binigyang-diin ni Brigadier Melencio Ragudo, Comamnder ng 203rd Brigade, ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pagtutulungan ng Army, lokal na pamahalaan, at mga residente dahil nababawasan ang espasyo ng mga armadong grupo para makapanakot at makagawa ng gulo.
Iginiit naman ni Major General Ramon Zagala ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, na ang matagumpay na operasyon ay napahina ang kakayahan ng natitirang kasapi ng makakaliwang grupo sa Mindoro.