Photo courtesy: LGU- El Nido
Ni Clea Faye G. Cahayag
Ngayong buwan ng Hulyo, magsasagawa ang Environmental Health and Sanitation Unit ng Municipal Health Office (MHO)- El Nido, Palawan ng Qualitative Bacteriological Examination sa mga pampublikong paaralan at pampublikong pinagkukunan ng tubig sa mga barangay ng Bebeladan, Manlag, Aberawan, Bagong Bayan, at Bucana.
Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng pagsusuring ito na matiyak ang kaligtasan at kalidad ng inuming tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga waterborne diseases.
Nitong nakaraang buwan ng Hunyo, isinailalim din sa naturang pagsusuri ang labintatlong (13) barangay sa El Nido. Kabilang dito ang Maligaya, Mabini, Villa Libertad, Villa Paz, Masagana, New Ibajay, Corong-Corong, Buena Suerte, Teneguiban, Pasadeña, Barotuan, San Fernando, at Sibaltan.
Binigyang-diin ng MHO na bahagi ito ng kanilang patuloy na programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtitiyak na ligtas ang suplay ng inuming tubig sa mga komunidad.