Photos courtesy: PIO Palawan via LGU Aborlan
Ni Albert Villamor Jr
Inilunsad na ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa lalawigan ng Palawan, noong Hulyo 2 sa pamamagitan ng isang tree-planting activity sa Sitio Del-at, Barangay Isaub, Aborlan, Palawan.
Inilunsad ang naturang selebrasyon ng Provincial Nutrition Office (PNO) at Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, katuwang ang Municipal Health Office–Nutrition Division ng Aborlan.
Nagtanim ang mga lumahok ng Rhizophora stylosa o Bakawan Bato. Nakaangkla ito sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”.
Nagkaroon din ng Information, Education, and Communication (IEC) Session sa komunidad para ipalaganap ang kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan bilang katuwang sa wastong nutrisyon at seguridad ng pagkain.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay alinsunod sa Presidential Decree No. 491 o Nutrition Act of the Philippines.

Photos courtesy: PIO Palawan via LGU Aborlan